Friday, September 18, 2009

Pagpunang Pasasalamat

Ni Alex Michael S Boribor

Maraming Salamat
sa Panginoong Banal
na sa aki’y
nagbigay ng kulay
at buhay.
Salamat sa pagbigay
sa akin ng iyong simbolo
ng pagmamahal
umpisa sa hanging
hinihinga ko,
sa tubig na pampatid
uhaw ko,
sa pagkaing
nginunguya ko.
sa pamilya ko,
lalong lalo na sa
mga magulang ko,
na masasabi ko talagang
napakaswerte ko.
Sa nanay kong mabunganga
at talagang
malakas ang tama---
pag-iingay mo’y
nakabibingi sa akingt
tenga, ngunit
ito’y musika na dumidilig
sa aking nalalantang
kaluluwa. Dahil
pakatapos ng ingay
na iyon ay lambing
at pang unawa ang
ipinapahid sa aking
namamagang tenga.

Sa aking Ama,
malakas makasigaw
na tila baga
laging pahiyaw
sa mga ginawa niyang
kakaiba na nagsilbing
tanda ng pagiging
Ama niya sa akin.
Sa mga kapatid kong
babae na nagtaray at
naglambing sa akin;
sa mga kakulitan at
harutan noong kabataan
hanggang sa ngayong
matatanda na.
Panginoon, ayaw ko
itong makalimutan.
na minsan ako’y
pinangalanang kabahagi
ng aking pamilya
sa buhay na ito.

Hindi perpekto ang
pamilya, ngunit
kailangan mo sila rito.
Panginoon, salamat
sa mga biyayang ito,
at sa malayang
buhay ko.

(Para sa aking Mamita, Pop_puh, Ate Julz, at Ate Coy)

No comments:

Post a Comment