Wednesday, September 23, 2009

Isa ako sa mga Finalists sa Premio Tomas Arejola Para sa Literaturang Bikolnon


Finalists for 6th Premio Tomas Arejola named

Two stories for children, three essays, four short stories, one 1-act play and eleven collections of poetry are in contention for top honors in the 6 th Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon.

This was announced by Carlos Arejola, chairman of the Bicol-wide literary competition widely regarded in the literary circle as the region's premiere literary prize.

Cited in the stories for children are: “Kun Tanu Maharang an Lada” by Owen del Castillo of Pilar, Sorsogon and “A-HU-HO, A-HE-HE (o an Kolor kan Buhay ni Koroy Sa Apat na Osipon) by Estelito Jacob of Camaligan, Camarines Sur.

The finalists for the essay category are: “Pagiromdum” by Eden Enano-Estopace of P. Ocampo St. , Manila , “Buhay Riles” by Eilyn L. Nidea Parocha of Ragay, Camarines Sur and “Seminarista” by Owen del Castillo.

The eleven collections of poetry cited this year are: “Parokyano kan Tinampo” by Jerome M. Hipolito of Calabanga, Camarines Sur; “Insomya” by Owen del Castillo of Pilar, Sorsogon; “Sa Lugar na Dinakulaan” by Alex Michael S. Boribor of Pioduran, Albay; “Muklat” by Rodel Delera Añosa of Aroroy, Masbate; “Pisaran asin Iba pang mga Rawitdawit” by Leopoldo C. Brizuela, Jr. of Ligao City; “An mga Para-lagaylay asin pang mga Rawitdawit” by Irvin Parco Sto Tomas of Canaman, Camarines Sur; “Sa hubasan, nagprobar akong magsurat” by Eduardo Endraca Uy, Jr. of Gubat, Sorsogon; “Naglakaw ako” by Welbert Cipria of Tabaco City; “Apat na Tigsik sa Tabaco Buda Iba Pang mga Rawitdawit” by Richard Madrilejos of Tabaco City ; “Paglabto sa Pagtubod” by Honesto M. Pesimo, Jr. of Naga City ; and “Hamot kan Narumdon” by Jaime Jesus U. Borlagdan of Tabaco City .



Cited in the short story category are: “Ligñon Hill” by Rodel Delera Añosa of Aroroy, Masbate; “Kaldero-Kawali, Buhay an Nahale” by Alex Michael S. Boribor of Pioduran, Albay; “Dolores” by Owen del Castillo of Pilar, Sorsogon; and “Pagsarado” by Jaime Jesus U. Borlagdan of Tabaco City .

Only one 1-act play, “Sa Minundagan Sana: Pasirip sa Que Lugar Este kan Dayo ni Jimple” by Richard Madrilejos of Tabaco City , is cited by the Premio Arejola this year.

The said literary works will be honored on September 29, this year at the Conference Hall of the Avenue Square in Naga City at an awards rite which shall also honor the first recipients of the Bikolinismo Outstanding Bikolano Artists search.

The best entries, to be named in the said event, will receive P5,000 and the PTALB medallion. The grand prize shall then be chosen from among the category winners and shall be conferred the title Writer of the Year, and receive P10,000 and the Naga City Jaycees Parasurat kan Taon trophy. The cash prize and trophy is courtesy of the Naga City currently headed by Mark Enrile.

Also to be honored are the finalists of the Rawitdawit para ki Ina, a special poetry category for elementary and high school students, namely: “Pagkamoot kan Sarong Ina” by Sean Marben P. Guinoo and “Pagtubod. Pagkamoot. Pag-omaw” by Grechil Angela L. Ayen, both of St. Louise de Marillac School of Pili; “Bulos kan Pagtubod” by Ailyn B. Caringal and “Pag-omaw ki Ina” by Flerida Ann G. Deniega, both of Ragay National Agricultural & Fisheries School; “Peñafrancia Fiesta” by Kimberly Anne F. Tolop, “An Ika-Tersentenaryong Milagro kan Inang Peñafrancia” by Khim Joseph R. Naval, and “Nuestra Señora de Peñafrancia an Pangaran Niya” by John Paul A. Bacsain, all of Pili National High School.

First handed out last year, the winner of the Rawitdawit para ki Ina category receives cash and prizes worth 3,000 and a medallion designed by Marianne Olaño of Baycrafts, a Naga-based outfit and trademark.

The two other major prizes to be handed out are the Premio Bibiano Sabino para sa Librong Bikolnon and the PTALB Lifetime Achievement Award.

Mga Nagwagi sa Gawad Komisyon 2008


Noong Disyembre 17, 2008 ay isinagawa sa Sentro ng Wikang Filipino, Bicol University, Legazpi City ang pagpaparangal sa mga mapapalad na nagwagi sa Gawad Komisyon 2008. Ang Gawad komisyon 2008 ay isang patimpalak sa pagsulat ng tula at maikling kuwento sa sampung wika sa Pilipinas ----Tagalog, Ilokano, Pangasinan, Kapampangan, Bikol, Samar-Leyte, Sugbuanong Binisaya, Hiligaynon, Maranao, at Tausug. Ang mga sumusunod ay ang mga nanalo:

Pagsulat ng Tula (Poetry)


Unang Gantimpala (1st Prize) – Mr. Owen L. Del Castillo (Pilar, Sorsogon)
Ikalawang Gantimpala (2nd Prize) – Mr. Sonny C. Sendon (San Nicolas, Iriga City)
Ikatlong Gantimpala (3rd Prize) - Mr. Adrian V. Remodo (Pacol, Naga City)

Pampalubag-loob (Consolation Prizes):

Mr. Jovert R. Balunsay (Sto. Domingo, Albay)
Mr. H.Francisco V. Peñones (Sta. Cruz, Iriga City)
Mr. Eduardo E. Uy (Ariman, Gubat, Sorsogon)

Pagsulat ng Maikling Kuwento (Fiction)

Unang Gantimpala (1st Prize) – Mr. Estelito B. Jacob (Camaligan, Camarines Sur)
Ikalawang Gantimpala (2nd Prizes) – Mr. Rodel D. Añosa (Sawang, Aroroy, Masbate)
Mr. Jaime J. Borlagdan (Bombon, Tabaco City)

Ikatlong Gantimpala (3rd Prize) - Mr. Owen L. Del Castillo (Pilar, Sorsogon)

Pampalubag-loob (Consolation Prizes):

Dr. Eden K. Nasayao (Arimbay, Legazpi City)
Mr. Xavier L. Zamora (Sagpon, Albay)
Mr. Alex Michael S. Boribor (Pioduran, Albay)


Congratulations po sa lahat ng mga nanalo!

Patuloy po nating ipakita at ipagmalaki ang ganda at yaman ng Wikang Bikol.

Dios Mabalos!

Temporaryong Padikit

BU’s PAGEANT: A Not (?) So Dreadful Event…
by Alex Michael S Boribor

Ever since my freshman year, until now, I am fond of watching pageants because for me, it is the time that people determines the external (physical exquisiteness) and internal (intellect/ mental) aptitude of the candidates to get hold of the title.
The start of the pageant for this year titled, Be your Destiny was fine and stirring on the crowd’s part where students from different colleges of Bicol University and non-BU people (who were just there to snoop) mixed-up in the seats of Albay Astrodome.
The Production Number was just right with “Vietnamese-like” costumes all in red. The music was great and strident en suite for the looks of the candidates while they ramp sensibly on stage.
The confidence in each of the contenders can be seen greatly as most of them packed their smiles and good gestures waving, “Hey, I’m the winner!”
The pageant was said to be a quality one for the judges were title holder/s, business enthusiast, medical doctor, politician, beauty expert, doctorate degree holder from the University of Tokyo, professor of BU Graduate School, etc. (yet asked questions equal to elementary level) Who can’t be dumbfounded with that? Judges in an event should sieve and make sure that the criteria were observed passably. They are the critics and the authorities of the event, for their decisions will speak for the whole event. They can make a typical student a title holder by just expunging or adding points to the score sheet of a candidate. In short, they are the “gods of the night”. So, it is but proper and fitting for them to portray their conspicuous part or functions with undefiled attitude in selecting the right and DESERVING candidates for the title.
The candidates representing each college of the university are supposedly the preeminent and well-chosen among their colleagues; not good in creating an impression or image that leads the spectators expose to imposture. Well, the event confirmed winners, yes, but many students around were able enough to distinguish substance and scrawny entrants even without plinth label unlike the judges of the said event. Nakakaloka!

Friday, September 18, 2009

Pagpunang Pasasalamat

Ni Alex Michael S Boribor

Maraming Salamat
sa Panginoong Banal
na sa aki’y
nagbigay ng kulay
at buhay.
Salamat sa pagbigay
sa akin ng iyong simbolo
ng pagmamahal
umpisa sa hanging
hinihinga ko,
sa tubig na pampatid
uhaw ko,
sa pagkaing
nginunguya ko.
sa pamilya ko,
lalong lalo na sa
mga magulang ko,
na masasabi ko talagang
napakaswerte ko.
Sa nanay kong mabunganga
at talagang
malakas ang tama---
pag-iingay mo’y
nakabibingi sa akingt
tenga, ngunit
ito’y musika na dumidilig
sa aking nalalantang
kaluluwa. Dahil
pakatapos ng ingay
na iyon ay lambing
at pang unawa ang
ipinapahid sa aking
namamagang tenga.

Sa aking Ama,
malakas makasigaw
na tila baga
laging pahiyaw
sa mga ginawa niyang
kakaiba na nagsilbing
tanda ng pagiging
Ama niya sa akin.
Sa mga kapatid kong
babae na nagtaray at
naglambing sa akin;
sa mga kakulitan at
harutan noong kabataan
hanggang sa ngayong
matatanda na.
Panginoon, ayaw ko
itong makalimutan.
na minsan ako’y
pinangalanang kabahagi
ng aking pamilya
sa buhay na ito.

Hindi perpekto ang
pamilya, ngunit
kailangan mo sila rito.
Panginoon, salamat
sa mga biyayang ito,
at sa malayang
buhay ko.

(Para sa aking Mamita, Pop_puh, Ate Julz, at Ate Coy)

Sunday, September 13, 2009

Kay Mark Jason na Aking kasintahan

Ni Alex Michael S Boribor

Salamat sa ating Panginoon
sa pagpayag Niyang
maging isa tayong dalawa.
Hindi ko maipaliwanag
ang pakiramdam na kahit
magkalayo tayo
sa isa’t isa,
nananatiling tapat at
mahinhin ang ating
mga mata at kaluluwa. .
Na kahit pa nga alam nating
ang relasyong ganito ay
dinisenyo para sa
panandaliang pag iisa ay
pilit nating iniiba at
kinukontra.
Dahil gusto nating
malaman ng mga
taong mapanghusga
na tayo ay iba at katulad
ng mga nag aasawang lalaki
at babae---
minamahal talaga natin ang
bawat isa at
nananatiling sentro ang
Panginoong Lumikha.
Hindi ko alam kung
hanggang kailan mananatili
ang bisa at
kapangyarihan ng mga salita
na nakapaloob sa tulang ito.
Ang alam ko lang,
mahal kita at ikaw
ang inspirasyon ko
nang magsulat
ako sa araw na ito

Thursday, September 10, 2009

Kung Bakit "Nganga sa Tula" ang Title ng Site ko...

Bakit Nganga sa Tula? Dahil pinaniniwalaan ng mga matatanda dito sa Pilipinas na ang pagnganganga ay nakapagpapatibay ng ngipin. Sa paghahanda ng mga sangkap na gagamitin sa pagnganganga, ito ang mga kailangan: Buyo/Ikmo, Apog, Bunga, at Endulyo. Sa pagnganganga, sarisari ang inyong malalasahan: maanghang, dalang dulot ng buyo/ikmo; manamis-namis, dalang dulot ng bunga; mapait, dalang dulot ng endulyo; at maalat, dalang dulot ng apog. Bawat sangkap ay may ginagampanan at may kinabibilangan. Lahat ay responsable sa pagpapatibay ng ngipin na matagal na umanong subok ng mga matatanda. Maaaring makapagpatibay ito ng ngipin, subalit hindi maikakaila ang mantsang naidudulot nito sa ating ngipin. Hindi rin kabanguhan ang amoy nito para sa iba. Kahalintulad rin ito ng pagsulat ng tula: inihahanda ang mga sangkap na gagamitin sa pagbuo ng mga salitang ilalapat dito---ito ang mga emosyong nararanasan natin sa buhay at karanasan. Iba iba ang lasa: may matamis, mapait, maalat at maanghang. Pinagsasama sama ang mga ito, dinidikdik ng panulat upang makabuo ng panibagong kulay at lasa. Isusubo ito ng makata, ngangangain upang mapatibay pa nito ang kanyang mga tula na magsisilbing ngipin ng mga salita. Doon na magmamarka ang panibagong kulay, bango, at minsan alingasaw ng buhay. Kaya halika, simulan mo nang ngangain ang mga salita sa bawat tula na naririto. Ito ang makakapagpatibay sa pagkatao ng ating bansa at bansa ng ating pagkatao. Salamat.

Dalawa lang ang Isa

Ni Alex Michael S Boribor
Para sa mga taong
Nagmamahal ng mga
kauri nila:
Hindi lang libog
ang dahilan ng
pamumula ng ating
mga indigong dugo,
kundi
ang pagmamahal
bilang isang tao
na ang dahilan ay
paghanga sa mga katangian
na ang taong iyon lang
ang makapapamalas
sa iyong buhay.
Hindi dahil sa mukha
itong masarap
o masarap humalik,
umakap o dumila,
kundi dahil sa
nagagawa niyang
halikan ka sa kasiyahang
iyong naidulot , akapin ka
sa pasasalamat at
dilaan ang sugat sa iyong
balikat ng walang
halong pandidiri at
takot na gawin ito.

Hindi dahil sa matipunong
katawan nito,
kundi dahil sa
nasasandalan ni’yo
ang isa’t isa sa araw
ng kagipitan at
sa mga problema na
inyong hinaharap at
haharapin.
Kaya patuloy na gumaganda
ang katawang ito
at nambibihag ng lambing
at pagtitiwala na kailan man
mananatiling para sa isa
at sa isa lamang.
Katulad ng mga taong
piniling magmahal ng nasa
kabilang kasarian.

Hindi rin dahil sa pera
at iba pang material na
bagay,
kundi dahil sa
nagagamit ni’yo ang
mga ito upang
maikahon doon
at maibahagi ang
kasiyahan na nararapat
lamang para sa kanya
Hindi dahil sa talinong
naipamalas niya
sa lahat na hinangaan
sa kanya ng ibang tao,
kundi dahil sa
nagagamit ni’yo ang
talinong iyon upang
bigyang kasagutan
at maiayos
ang mga bagay na hindi
maintindihan at
nahihirapan ni’yong
unawain.
Hindi dahil
gusto mo siya kundi
gusto mo
ang makasama at
mahalin siya ng siya
at wala nang iba.

Hindi dahil uso ang
ganito at feel mo lang,
kundi ito ang sa tingin
mo ay makabubuo ng malawak
mong pagkatao sa ngayon
at sa hinaharap.

Hindi dahil sa
sarap ng romansa sa
nag iinit niyong kama
kundi dahil sa
pinatitibay ng init na ito
ang inyong pagmamahal
sa isa’t isa
katulad ng metal at bubog
na naporma sa apoy---
ito ay mas pinatitibay.

Hindi dahil sa
hindi ni’yo sinunod ang
salita at utos ng ating
Panginoon, kundi
dahil sa mahal na mahal
ni’yo Siya at pinili ni’yo
ang ibang daan at paraan
upang ipakita ang inyong
pag-ibig sa Kanya---
sa dalawang pusong
naging isa,
buong buo na iaalay
at magsisilbi sa Kanya,
dahil dalawa lang
ang isa.
At wala ditong parusa…
Ang buhay ay ganyan lang talaga…
Ito ay punong puno ng
misteryo at
surpresa.
(Para kay Mark Jason D Benjamin ng Laguna)
Lunsod ng Legazpi
Ika-03 ng Setyembre, 2009 (Martes)